Ang Mundo ng Bukas: 2065

Maraming mga magagandang bagay sa ating mundo: makabagong teknolohiya, tayong mga tao ay mas konektado na sa bawat isa, magagandang medisina na nakakapagpagaling sa mga sakit na dati ay hindi matulungan, atbp. Pero sa kabila nito, mayroong maraming mga bagay na nangyayari sa likuran na hindi natin napapansin o hindi pinapakialaman kahit na alam natin tungkol sa ito. Sa tingin niyo ba na lahat ng magagandang bagay sa buay ay nakukuha nang walang nadudulot na masama?

Simula palang ng panahon ng mga tao, mabilis na umuunlad ang ating mga teknolohiya, kaya sigurado tayo na habang tayo ay mas magiging magarbo at makabago sa pagdaan ng 50 at marami pang taon.

Manatili muna tayo sa ating panahon. Ayon sa sinabi ko kanina, maganda ang ating buhay dahil sa ma teknolohiya natin. Oo nga, maganda. Pero ano naman ang hindi natin napapansin? Ang mga tao at kompanya na gumagawa at nagpapaunlad nitong teknolohiya ay siyang mga sumisira sa ating mundo. Sila ay nagpapadumi sa ating mga dagat, sumisira sa ating mga gubat, at nagsasamantala sa ating mga natural na kayamanan.

Sigurado ako na pagdating ng 2065, tayo ay mayroong mga lumilipad na kotse at mga teleportation device. Ang ating mga gusali ay matataas at makikinis—yung tipong kumikintab sa araw. Baka pa nga ay tayo ay may mga kolonya na sa ibang mga planeta.

Pero may makikita ka bang puno? Maaalala mo pa ba ang dating kulay berde na nagbigay ng kagandahan sa ating mundo noon? Ikaw ba ay simpleng “mawawala” na lang sa konkretong gubat na ginawa nating mga tao?

At ikaw, mahal kong mambabasa, papayag ka ba na ito ay and maging bukas ng ating mundo? Dito kayo titira pagkalaki niyo, at dito rin mabubuhay ang iyong mga anak? Mag-ingat po tayo sa ating mga teknolohiya. Hindi lamang ito puro maganda. Nasisira din ang ating mundo. Baka pa ay wala nang tao na matira pagdating ng taong 2065. O kaya naman, hindi tayo makalagpas ng taong 2020?